Sarap, ito na talaga yung pinakahihintay ng mga tao pag pasko, yung umuulan, makulimlim at napakalamig. Pero aanhin mo naman yung kung wala ka kayakap diba? Isa na ako dun, mga road warrior ng pasko, mag-isa walang kasama at LOL mabaho ang hininga.
Hindi ko alam gagawin ko, wala din namang magawa, ano pagpipilian mo kung wala kang kasama, wala kang mayaya, malayo sa mga kaibigan at walang pera. Sandamakmak na regalo sa ilalim ng maliit naming christmas tree, kakaunti lang din kami sa bahay pero akalain mong sa dinamidami ng mga regaling nandun kahit isa wala para sakin. Okay, diba? Nakakalungkot ang eksena dito sa bahay, walang tao, tahimik, ulan lang ang nagiingay, ako nasa harap ng laptop sumusulat sa loob ng malawak na kwartong walang laman, patay ang electric fan at wala ng ibang gumagalaw maliban saking mga daliri na porsigido mag trabaho ngayon. Kulang na lang e gawing black and white at meron ka ng istant drama scene complete with bgm ng ulan only for 200php not only that if you order now you'll not only get this drama scene, we'll also include ang isang negrong writer ng isang blog na may malaking ibon para sa maskot.
Napansin niyo ba sa mga home TV shopping, tuwing nagbebenta sila ng mga produkto nila hindi pwedeng yun na lang, laging may pahabol, bakit hindi na lang nilang gawin na ipakita lahat nung produkto ng sabay sabay para sa presyo na yun? Bakit kailangan pang merong "NOT ONLY THAT! YOU'LL ALSO GET THIS BREAST ENHANCER FREE FOR EVERY PURCHASE OF ANY DELUXE TUPPERWEAR".
Kinausap ako ng pinsan ko na nasa isteyt, pinaalala sakin na malapit na betdey ko. Ngayun ko lang napansin malapit nako magbente anyos, isang taon na lang twenteen na ako. Noon gustong-gusto ko tumanda, gustong-gusto manguna, pero ngayon, STOOOOOOP! muna please? Maraming pwedeng gawin pag bata ka, masmarami pwede gawin pag matanda ka, per kahit kailan masmasarap maging bata. Simpleng buhay, simpleng problema, away sa jolen, suntukan, iyak, sumbong nanay, hanap kakampi, tablahan, simpleng solusyon lang. Pagbata ka walang problema sa pera sa sampung piso makakabili ka na ng paborito mong kyamoy, mighty mouse, hansel at choco-choco. Busog na, problema mo na lang kung paano ka makakaligtas sa pagtulog ng tanghali, kung paano ka magpapatulo ng laway ng hindi natatawa para hindi ka mabuko. Pano ko kaya tatalunin mga kalaro ko mamaya sa chato? Pano kaya kami mananalo sa agawan base mamaya? San kaya maganda magtago mamayang six, para sa tagutaguan? Puro laro yan ang "pinoproblema" ng mga bata. Sana hanggang pag tanda ganyan na lang. Pero wala tayong magagawa kailangan sumunod sa patakaran, patakaran na hindi pwedeng iwasan. Kung ano pa man, gudlak sayp, sakin, satin.
-Matulog ka na, kukunin ka ng bumbay mamaya, ilalagay ka sa sako at itatakbo ka sa ilog.
Tuesday, December 25, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment