Kamusta na kayo? Medyo masama loob ko ngayun, napakaganda na ng idea ko kanina, biglang nawala, di ko maalala, di ko maintindihan kung bakit wala manlang ako maalala, sana manlang e may natira na kahit konti kahit umpisa lang, kaya eto ako ngayun busog kakatapos lang kumain naghahanap ng mga halo halong salita na pwede ko isalpak sa mumunting entry na ito.
Sa ngayon INSECURE ako, oo, INSECURE sa di mga masabing dahilan, pero gaya ng sabi nila pinakamadilim daw bago magumaga, e di ko naman hinihintay mag umaga e. Ang sarap sarap matulog ng madaling araw e diba? Malamig masarap yumakap, sa mga asawa, gelpren, kalaguyo at para sa mga wala e UNAN.
Alas nuebe na ng gabi, nakaupo ako sa kama katabi ang ginagamit na computer na pinagsusulatan ng mga saloobin, nagkakamot ng balbas na may nakakapang tigyawat.
Madami tayong gustong isulat tungkol sa mga buhay buhay natin, may nakakatawa, nakakalungkot, nagtatawag ng pansin, may nangungulangot, may nanunundot, at may tamang matatawa mga kasama mo sa balbalan na ginagawa mo nung kabataan mo.
Hindi ko malaman kung bakit minsan di muna tayo nagiisip bago tayo sumagot sa mga simpleng tanong ng mga kapwa natin, tulad ko na lang tinext ako ng kaibigan ko "Musta paking beaches?", sinagot ko naman "Aburido at masakit ang tiyan", hindi ko alam kung ano kinalaman nun sa pangangamusta niya, basta kusang lumalabas. Natural na kaya talaga tayong sumasagot ng walang kinalaman sa tanong ng mga kakilala? Nadadala lang ata na masarap na pakiramdam.
SHWAAAAARK! Naiinis talaga ako, wala mapiga sa nagdadalamhati kong utak, pinagtampuhan ako dahil hindi ko nakaen ang huleng piraso ng pizza.
May kaibigan ako tinatanong ako dahil interesado din siya gumawa ng blog sa site na ito, tinanong niya ako kung magkakapera daw ba dun sa adsense, sinabi ko na lang na hindi ko alam dahil di ko din sinusubukan, sabi ko ayoko din lagyan dahil puro basura na nga laman ng site ko dadagdagan ko pa ng recyclable waste na pede pagkuhaan ng konting halaga pag inote dyaryo mo at binenta sa dumpsite.
Dahil sa kawalan ng iisang ideya para sa entry na ito wala ako magawa kungdi magsaksak ng kung ano anong maisip ko kaya medyo malabo ang pagbasa sa entry na ito, pero kung iisipin mo ang pinaka topic niya ngayun ay ang pagiging 'random' na pwede mo din sabihin magandang bagay dahil hindi ka naiipit sa iiisang paksa na kailangan mo sundan palagi, mas masaya pala sumulat ng ganito maraming pwedeng isama, pwedeng ikuwento, at pwede itsismis sa kapit-bahay mong bungangera na uusisa sa bawat galaw mo pati pag utot ng tuta niyo.
"Inuulit ko madaming nawawalang kagamitan sa pugad ng loro, pag nakita pakibalik na lang po sa kinauukulan."
Akalain mo sa pagiging tulala ko e madaming papasok na uulit ulit at aaliw sa pagiisip ko.
-Ang labo mo naman, sabi ko sayo pag sinubo mo yung baytamins kailangan sumigaw ka ng DARNA!
Saturday, December 22, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment