Sunday, December 23, 2007

100% pure karne

Simulan na bakbakan. Ako, aaminin ko wala talaga ako maisulat, medyo masaya naman ako kaya humingi ako ng payo sa kaibigan ko kung ano maganda isulat, tinanong niya ako sa nararamdaman ko. E ito nararamdaman ko ngayun e. Gusto mo malaman?

  • Gusto ko ututan mukha mo habang tinatakpan bungagna mo at kinikiliti ka ng tatlong tao.
  • Gusto ko ipagluto ko ng napakasarap ng ispageti, home made parang sa mga italyano, habang pinapagpagan ko ng balakubak parang parmesan cheese.
  • Gusto ko patakbuhin yung isa naming "kaklase" nung hayskul at ikukulong ko kayo sa masikip na kwarto walang bintana.
  • Gusto ko bumili ng sapatos na pwede ko isuot sa bawat daliri ng paa ko.
  • Gusto kita pakainin ng lechon ng agahan, tanghalian, hapunan, meryenda at midnight snack para sosi.
  • Gusto ko ikaw ang maging kaunaunahan spartan na may pangatlong kasarian.
Sabi niya magsorry daw ako pagkatapos. Ayaw ko nga.
Sa totoo lang ayoko sumulat ng ganito, pero aaminin ko masarap sa pakiramdam pag nailalabas mo mga gusto mo sabihin. Maraming mararahas na salita ang madaling masakit ng kapawa, pero marami din ang marahas pero kaya kilitiin ang iyong mata pati ang iyong tenga. Kadalasan maglaitan ang mga tao, lalu na ang mga kabataan pero sa kanilang pangungutya sa isa't isa habang lumalala lalu lumalakas ang hagikgikan at tawanan.

Habang nagsusulat, sinasabayan ko ng panonood, nanonood ako ngayun n DVD na dala ni papa, subukan ko daw, BEOWULF, maganda naman, napatigil ako sa isang linya na sinabi ng hari na pinatayan ng isang dosenang tao habang naghahouse party sila ng mga homies niya. "Shall we pray foto our new God?"; "No,the Gods will not do anything for his people who is not willing to do it for himself. Diba? Ngool d00d.Tama nga naman ang party monster, wala magagawa ang isang libo nating pagdadasal kung wala naman tayo gagawin,bibigyan tayo ng lakas ng diyos para sumubo ng pagkain, pero hindi tayo susubuan pa. Sa nalalapit na massive house party ng Diyos, magapir tayo pasalamatan natin yung lakas na binibigay niya para kumaen, uminom, umihi, dumumi, tumawa at lahat ng ginagawamo. Yoop~ si asper kumakabig.(minsan lang bayaan mo na)

Sinasawapawan nanaman ako ng katamaran, ang sarap manood, pero hindi ko maialis ang mata ko sa trabahong di matapos dahil sa kaaliwan, basagan mang ako ng tatlong bote sa ulo wala na talaga ako maitaktak.

-Para malaman mo mabango din ang hininga ko minsan.

No comments: