Thursday, December 20, 2007

The first, the alpha, ang una, test drayb, primordial soup, sarsa ng mantika at kung ano pang una.

Woo game na! Kinakabahan pa ako, sa tagal tagal ko ng napatigil sa pagsusulat ngayun lang ulit sasabak sa giyera ng letra at mga salita salungguhit at kung ano pa, tsismis, kwento at laway ng kama mo.

Sa mga nakakakilala sakin, oo, bago nga ang blog site na ito, halata naman wala pang kalaman laman e. Gusto ko lang gumawa ng bagong simula(bago na simula pa? bobo ka?), bagong kwento na ilalatak sa mga walang magawa na katulad niyo, tulad ng luma ko na site, tagalog din ang tema ko at tinatad ko din ng kung ano-anong kabalbalan ito tulad ng mga poll orasan at ang paburito kong ibon na "EMU". O? diba, nasauso din ako, katulad ng mga kabataan ngayun mahilig din ako sa "EMU" na pinaguusapan nila, hindi ko alam kung ano meron sa ibon na ito pero parang iniidolo siya ng mga kabataan ngayun(Oo, alam ko, nagpapatawa ako di naman kalbo, gusto ko lang humaba oras mo dito para maisip mo mamaya na pasko na pala.).

Ayan pasko, pinakapinakapinakaververyeversomuch peyborit ng mga bata na araw ng taon, para sa iba mas peyborit pa nila ito kesa sa kaarawan nila dahil dito, obligado ka mabigyan ng kris kringle sa skwelahan, christmas gift ni santa klaws na sinasabi ng nanay mo na regalo din niya, kahit na alam mo na si santa lang talaga ang may bigay nun. Nung bata din ako tuwang tuwa ako pag pasko na habulan na ng ninong at ninang nagtatago pa ang iba na akala mo sinusugod ng NPA. Isa pa na kinatutuwa ko nun e malapit kaarawan ko sa pasko, yoop~ halatang nagpapapansin ako at nagpapahiwatig na bigyan mo ako ng regalo kahit tamagochi lang. Sige na. Please? Meron akong ninong nun tandang tanda ko si ninong joel, tawag ko sa kanya nun 'nongni', oo, nongni, dahil yun yung mga panahon ng mga jeproks na binbaligtad ang mga salita tulad ng, dehins, olats at yema. Natatandaan ko nun na siya ang kaunaunahan na nagbigay sakin ng tamagochi, kasal pa yun ng tito ko nung binigay niya, tuwang tuwa ako kulay dilaw yun, kapanahunan pa yun noon na teacher's enemy number one ang nasabing laruan, tipong pag nahuli ka ng teacher mo sa math e "Punyemas! Pumunta ka sa principal's office! Ipapatawag ko magulang mo!", pinapunta ka pa ng principal siya din pala magpapatawag sa magulang mo. Pero napakahalaga sakin ng laruan na yun ang itsura pa nun e itlog na may batik batik na akala mo e kulangot ng tetris na nagkaroon ng buhay. Lumipas sakin ng 2 linggo yun. Tapos. Nawala. The End.
Nung bata din ako ay mahilig ako gumawa ng mga listahan para kay santa, tipong xmas list ko kahit alam ko na delayed ang package dahil busy ang LBC sa pagpapadala ng text messages at calls sa beeper na iisa lang naman ang laman "Where u na?", "Here n me u?", "Meri xmas and a happy new year!", SOP? SOT? are u hot?", "need girl textm8, need boy text m8", kala mo likuran lang ng upuan ng bus na sinusulatan ng "mean sex machine call or text me 0927HATSEKS", ops teka lumalayo sa topic, eto yung example ng listahan ko

  • shoes
  • gundam
  • power ranger megazord
  • bag
  • robot
  • gameboy
  • sana makuha mo yung listahan ko
  • pasko araw araw
  • nail cutter
  • jungle juice

Yan ang mga karaniwang sinasabak sa papel ng mga bata, pinagiisipan pa nila yan ng tatlong oras upang pagdedsisyonan na isama na lang lahat sa listahan kaysa isa lamang. Diba? Resourceful.

-Ok medyo nasolb nako sa ginawa ko, inaantok na kasi ako, nakakapagod na araw. Natuwa ka ba sa mga binasa mo? Solb ka ba? Bitin? Naasar ka sa mga sinulat ko? Pasensya ka na, masmaasar ka siguro pag nalaman mo na halos labing limang minuto ka nagbasa ng wala. PALAKPAKAN!Sana ok ka diyan, TCCIC. Happy Christmas din sayo at sa mga mahal mo.

No comments: