Friday, May 2, 2008

Paumanhin sa endorsment

Kanina umiral nanaman ang mga munting kasiyahan ng mga pilipino, lalung lalo na sakin ng bigla bumuhos ang napakalakas na ulan matapos ang napakainit na araw. Sa totoo lang parang diniling ng diyos ang dasal ko nung makita ko na kumulimlim ang paligid at dumampi sa aking ilong ang simoy ng hamog, yung tinatawag nilang 'alimoong' na pag di ka daw uminom ng tubig pag naamoy yun ay sasakit ang tiyan mo. Tumagal din ng humigit kumulang isang oras ang ulan kanina, aaminin ko naligo ako sa ulan kanina malamig, masarap, parang ano, nilabasan ka ng... utot na pinigil pigil mo ng ilang dekada dahil katabi mo si Emily na crush mo sa english period at nag mula pa sa kabataan mo. May kulog may kidlat, may sarap at sigla sa bawat patak, malalaki ang bawat patak ng ulan kanina, sinubukan ko tumingin sa ulap, ilang beses ako di makatingala, bawat tingin may pagsabog ng kidlat. Iniisip ko kanina baka isang tingala ko makakita ako ng liwanag sabay BLAGADAG! deds. May isa lang ako napatunayan kanina, sa bawat tingin mahirap, pero sa bawat tingin na may makikita ka na madilim na ulap, totoo nga na may 'silver lining' ang bawat isa. Sabihin man natin na masyadong radikal at madrama nagkaroon ako ng pagasa sa buhay ko kanina.

Nung nakaraang araw ko pa gusto isulat ang panaginip ko na ito, hindi lang ako magkaroon ng oras. Eto na ibabanat ko na. Nagsimula panaginip ko sa isang magandang maaraw na araw, kakaiba diba? May outing daw kaming magkakaibigan, sa gitna ng biyahe may nadaanan kaming kulto, pinababa kami at ginapos, mabuti na lang at nakatakas kami sa mga kamay ng mga salarin, at sa loob ng bus kinamusta ko isa-isa ang aking mga kasama. Nung marating ko na ang huli naming kasama tinuro ko siya at sinabi ko na "Tol, ayus ka lang?" tumango lang siya at kumaway sakin na pinapahiwatig na ayus lang siya. Matapos yun napaisip ako, tinitigan mabuti ang kinamustang kasama, nakita ko ang dilaw niyang sapatos, pulang suot, dilaw na sumbrero, malaking mukha, antena sa ulo at pakpak sa likod, HAYOP KA BAKIT NANDITO SI JOLLIBEE?! Sa oras na sinigaw ko sa sarili ko yun agaran akong nagising, pumasok agad sa isip ko "bakit si jollibee?".

Nung nakaraang medyo matagal na, nanood kami ng kaibigan ko ng "Shutter" yung amerkano bersyon, baduduy, mas gusto ko yung original niya, mas nakakatakot, at mas"hot chix" yung multo. Bago yun nilibre ako ng aking napakabait na kaibigan ng SUPER EXTRA DOUBLE LARGE LARGE LAAAAAARGE na iced tea, nung nabayaran na namin sa counter, bigla na lang pumasok sa isip ko at niluwal ng bunganga ko ang...

"Karl, di mo ba lalagyan ng asin yan?"

Napatingin na lang samin yung kahera at napangiti, walang sadyang dumulas sa isip ko, dapat bumili na ako ng popcorn para hindi halata.






-Sinong fastfood mascot ang bestfriend mo? Papayag ka bang maginvasion siya sa mga panaginip mo?
"Huy tama na yang asukal sa iced tea mo, magkakadyabetis ka, eto na lang asin.

No comments: