Thursday, June 26, 2008

Nakalimutan ko lagyan ng title, sorry.



Di ko maiwasan talaga na magpost lang ng isang entry kada buwan, sa hindi malamang dahilan napipilitan ako maglagay ng isa kada buwan at kung hindi minamalas ako sa bawat gagawin ko.

Eto na pantaggal himagas este malas.

Tinatamad na ako sa buhay ko, minsan parang gusto ko na lang lumabas at maghamon ng suntukan para manlang magkathrill ng konte, di bale na mabugbog maiba manlang yang makulimlim na araw. Pero yun nga wala talaga tayong magagawa, nalaman ko na lang ang pinagkakaiba sa bawat araw na ginagawa ko e ang panahon at ang dami katarantaduhan na pumapasok sa isip ko.

Nungmakailan lang dinayo nako ng swerte sinagot ako. YOOP~ edi ako na tunay? Pinagmamalaki ko lang sa mundo, mahal na mahal ko kasi yung tao, alam ko korni ako, sabihin mo na wag ka lang papakita sakin matatamaan ka ng matinding watapepaks sa peys.





Hot chix diba?


O teka mamaya mo na titigan yan, dito muna tayo sa mga kakaiba nating pinaguusapan. Kanina lang nung pinipilit ko pa idilat ang aking kanang mata(Oo nga pala para sa mga di nakakaalam, seryoso po ako pag sinabi ko na pinipilit ko pa idilat ang aking kanang mata.) sinabi sakin ng isa kong kaibigan na si Eena napanaginipan daw niya ako, at humihingi ako ng bente para makapagpagupit. Di ko alam kung bakit, ganun na ba ako kamukhang sanggano para mapanaginipan ng tao na "magpagupit ka na hayop ka".

Wala nanaman ako masabi, pero sige itutuloy ko pa din, dahil namiss ko kayo at ang araw araw na sinasabi niyo sakin na "baliw ka talaga".

Minsan naisip ko, bakit di na lang tayo mga naging ninja? Mas simple buhay natin nun, magpapatayan, mamatay, magpapadami, kakaen, iinom, mga ganun lang, walang problema sa school popoproblemahin mo lang e "Pano na kaya magagawa yung teknik na yun? Kulang ako sa shuriken deds nanaman ako neto."

Kailan lang may nagtanong sakin ano gusto mo makuha kung sakaling bibigyan ka ng kahit ano sa buhay mo? Sabi ko save at reset button, katulad ngayun habang nagsusulat ako may auto save itong blogsite (endorsment dahil binibigyan nila tayo ng libreng site).

Nagsasawa na talaga ako sa buhay ko, dumating lang si miss Wendy Diane Lagrimas kaya kolorpul na. labyu Yiii~ kilig.

O, pano? sa nekstaym ka na lang ulit dumaan at manglait dito, papaalam ko na lang sa inyo at sa kapit-bahay niyo. Komedi? Naghahanap ka ng komedi sa post ko? Sino ba nagsabi sayong nagpapatawa lang ako dito?

Salamat, pen down, publish post.

No comments: