Tuesday, February 19, 2008

SAPAKIN KITA JAN E

Nasabihan ka na ba ng 'Sapakin kita jan e' ng walang dahilan? Yung tipong 'Oy! Musta na? Sapakin kita jan e'.
Yun yung mga oras na mapapa (>.<) mukhasim na lang ekspresyon mo sa mukha o kaya e, mapapa (@_@) mukhalat ka na lang sa mga naririnig mong mga kataga. Tama nga naman, sabihan ka bigla ng ganun, di ka magugulantang? Aba ikaw na siga ng riles, tigasin ng tondo, hostes ng preso at Joaquin Bordado ng kapuso.

Wala namang partikular na rason kung bakit napasulat ako ng ganito. Hindi naman ako tinakot, sinuhulan, pinikot, inulam, inadobo, pinrito, sinampalukan na walang kinalaman, woooo~ hingal~ *hika hika* extra breathing lessons muna.

Moving back to bussinessoqijweonslkjnfuqerjqorjpqwePWEH! English kasi e. Napaguusapan namin nung linggo ata o nung nakaraang linggo habang nanananghalian sa boni kasama ang mga kaibigan ko, e bigla na lang humirit ang isa sa mga magigiting at maginoo kong kaibigan ang 'paabot nga ng toyo, sapakin kita jan e'. Parang ano e, di mo na alam ihihirit mo. No choice e. Pasa mo sasapakin kita! Hanggang sa umabot na sa mga kakaibigang bagay ang usapan. Paghingi kay ate ng extra rice 'Ate isang extra rice nga po, sapakin kita jan e' akalain mong gumalang ka pa e, paabutin mo rin pala sa madugong pagbuntal sa kapwa.

  • Ate meron po kayong kalamansi? Pahingi naman po, sapakin kita e.
  • Tol wallet mo nakalimutan mo, sapakin kita e.
  • TOL! FOUL!... inde ayus lang, sapakin kita e.
  • GOOOoooood~ MooooOOOOrning~ sapakin kita e.
  • Manong isang stujante po kakasakay lang, at isang ekstra rice po, sapakin kita e.
Pasensya na kayo hindi ko maibalik sa ayos yung huling sentence. T___T

Naisip ko lang, paano kaya kung may probinsya na ang punto e 'sapakin kita e'? Tipong sa batanggenyo yung 'ala e', sa bisaya naman yung kakaibang pananalita nila, e kung ang iyo kaya 'sapakin kita e'?
Meron kaya nun? Sang probinsya mo kailangan mapadpad at mawalan ng pamasahe para lang masabihan ka sa payphone ng 'Walang anuman iho, mabuti at nakatawag ka na sa magulang mo, sapakin kita jan e.' Ang lamig sarap matulog, dugtungan niyo na lang entry ko.



Salamat sa pagbasa. SAPAKIN KITA JAN E
-Ako ang hari ng typo, sa kaharian ko ikaw ay laging welkam, SAPAKIN KITAJ AN E.