Thursday, June 26, 2008

Nakalimutan ko lagyan ng title, sorry.



Di ko maiwasan talaga na magpost lang ng isang entry kada buwan, sa hindi malamang dahilan napipilitan ako maglagay ng isa kada buwan at kung hindi minamalas ako sa bawat gagawin ko.

Eto na pantaggal himagas este malas.

Tinatamad na ako sa buhay ko, minsan parang gusto ko na lang lumabas at maghamon ng suntukan para manlang magkathrill ng konte, di bale na mabugbog maiba manlang yang makulimlim na araw. Pero yun nga wala talaga tayong magagawa, nalaman ko na lang ang pinagkakaiba sa bawat araw na ginagawa ko e ang panahon at ang dami katarantaduhan na pumapasok sa isip ko.

Nungmakailan lang dinayo nako ng swerte sinagot ako. YOOP~ edi ako na tunay? Pinagmamalaki ko lang sa mundo, mahal na mahal ko kasi yung tao, alam ko korni ako, sabihin mo na wag ka lang papakita sakin matatamaan ka ng matinding watapepaks sa peys.





Hot chix diba?


O teka mamaya mo na titigan yan, dito muna tayo sa mga kakaiba nating pinaguusapan. Kanina lang nung pinipilit ko pa idilat ang aking kanang mata(Oo nga pala para sa mga di nakakaalam, seryoso po ako pag sinabi ko na pinipilit ko pa idilat ang aking kanang mata.) sinabi sakin ng isa kong kaibigan na si Eena napanaginipan daw niya ako, at humihingi ako ng bente para makapagpagupit. Di ko alam kung bakit, ganun na ba ako kamukhang sanggano para mapanaginipan ng tao na "magpagupit ka na hayop ka".

Wala nanaman ako masabi, pero sige itutuloy ko pa din, dahil namiss ko kayo at ang araw araw na sinasabi niyo sakin na "baliw ka talaga".

Minsan naisip ko, bakit di na lang tayo mga naging ninja? Mas simple buhay natin nun, magpapatayan, mamatay, magpapadami, kakaen, iinom, mga ganun lang, walang problema sa school popoproblemahin mo lang e "Pano na kaya magagawa yung teknik na yun? Kulang ako sa shuriken deds nanaman ako neto."

Kailan lang may nagtanong sakin ano gusto mo makuha kung sakaling bibigyan ka ng kahit ano sa buhay mo? Sabi ko save at reset button, katulad ngayun habang nagsusulat ako may auto save itong blogsite (endorsment dahil binibigyan nila tayo ng libreng site).

Nagsasawa na talaga ako sa buhay ko, dumating lang si miss Wendy Diane Lagrimas kaya kolorpul na. labyu Yiii~ kilig.

O, pano? sa nekstaym ka na lang ulit dumaan at manglait dito, papaalam ko na lang sa inyo at sa kapit-bahay niyo. Komedi? Naghahanap ka ng komedi sa post ko? Sino ba nagsabi sayong nagpapatawa lang ako dito?

Salamat, pen down, publish post.

Friday, May 2, 2008

Paumanhin sa endorsment

Kanina umiral nanaman ang mga munting kasiyahan ng mga pilipino, lalung lalo na sakin ng bigla bumuhos ang napakalakas na ulan matapos ang napakainit na araw. Sa totoo lang parang diniling ng diyos ang dasal ko nung makita ko na kumulimlim ang paligid at dumampi sa aking ilong ang simoy ng hamog, yung tinatawag nilang 'alimoong' na pag di ka daw uminom ng tubig pag naamoy yun ay sasakit ang tiyan mo. Tumagal din ng humigit kumulang isang oras ang ulan kanina, aaminin ko naligo ako sa ulan kanina malamig, masarap, parang ano, nilabasan ka ng... utot na pinigil pigil mo ng ilang dekada dahil katabi mo si Emily na crush mo sa english period at nag mula pa sa kabataan mo. May kulog may kidlat, may sarap at sigla sa bawat patak, malalaki ang bawat patak ng ulan kanina, sinubukan ko tumingin sa ulap, ilang beses ako di makatingala, bawat tingin may pagsabog ng kidlat. Iniisip ko kanina baka isang tingala ko makakita ako ng liwanag sabay BLAGADAG! deds. May isa lang ako napatunayan kanina, sa bawat tingin mahirap, pero sa bawat tingin na may makikita ka na madilim na ulap, totoo nga na may 'silver lining' ang bawat isa. Sabihin man natin na masyadong radikal at madrama nagkaroon ako ng pagasa sa buhay ko kanina.

Nung nakaraang araw ko pa gusto isulat ang panaginip ko na ito, hindi lang ako magkaroon ng oras. Eto na ibabanat ko na. Nagsimula panaginip ko sa isang magandang maaraw na araw, kakaiba diba? May outing daw kaming magkakaibigan, sa gitna ng biyahe may nadaanan kaming kulto, pinababa kami at ginapos, mabuti na lang at nakatakas kami sa mga kamay ng mga salarin, at sa loob ng bus kinamusta ko isa-isa ang aking mga kasama. Nung marating ko na ang huli naming kasama tinuro ko siya at sinabi ko na "Tol, ayus ka lang?" tumango lang siya at kumaway sakin na pinapahiwatig na ayus lang siya. Matapos yun napaisip ako, tinitigan mabuti ang kinamustang kasama, nakita ko ang dilaw niyang sapatos, pulang suot, dilaw na sumbrero, malaking mukha, antena sa ulo at pakpak sa likod, HAYOP KA BAKIT NANDITO SI JOLLIBEE?! Sa oras na sinigaw ko sa sarili ko yun agaran akong nagising, pumasok agad sa isip ko "bakit si jollibee?".

Nung nakaraang medyo matagal na, nanood kami ng kaibigan ko ng "Shutter" yung amerkano bersyon, baduduy, mas gusto ko yung original niya, mas nakakatakot, at mas"hot chix" yung multo. Bago yun nilibre ako ng aking napakabait na kaibigan ng SUPER EXTRA DOUBLE LARGE LARGE LAAAAAARGE na iced tea, nung nabayaran na namin sa counter, bigla na lang pumasok sa isip ko at niluwal ng bunganga ko ang...

"Karl, di mo ba lalagyan ng asin yan?"

Napatingin na lang samin yung kahera at napangiti, walang sadyang dumulas sa isip ko, dapat bumili na ako ng popcorn para hindi halata.






-Sinong fastfood mascot ang bestfriend mo? Papayag ka bang maginvasion siya sa mga panaginip mo?
"Huy tama na yang asukal sa iced tea mo, magkakadyabetis ka, eto na lang asin.

Saturday, April 19, 2008

Agresibong Agresibo Naiihi Sa Kanto.

Usong-uso ka negro! Kasalukuyan ako nakikipagchat sa mga cool na cool na 'chatmates' ko. Kahit sa totoo lang e wala naman ako kausap, halos araw araw ako nagoonline para lamang titigan yung mga pabalik balik na nagoonlayn na mga tao, hindi malaman kung ano tumatakbo sa isip nila o kung ano man ang mga pinaguusapan nila. Kadalasang gawain ko na yun, masasabi nga ng mga sosi na 'hobby' na ito. Walang katuturan ang bawat araw na dumadaan, araw araw man akong tumatawa, araw araw man masaya, araw araw walang ginagawa ngayung bakasyon e medyo nakakawala na din ng loob, walang nangyayari sa buhay, sermon lang ang thrill, kumbaga e climax na ng bawat araw ang sermon na magaganap sakin, swerte ko na kung uuwi ako na makakadiretso ng tulog. Minsan medyo nakakasapul na parang spear ni Batista na head-on. Pero tama na ang drama kasama talaga yun sa araw araw na pinagdadaanan ng batugan na katulad ko.

Sumasalo ako ng bala nung kabataan ko tuwing tag-init kasi malakas ang araw, ako kasi si Superman. Ops, teka hindi pala baka i-demanda ako ni Clark Kent dahil ninanakaw ko screen name niya, at hindi talaga totoong kalibre kwarentaysingko ang sinasalo ko na bala, na, laging gamit ni Robin Padilla na maskilala na ngayun bilang Joaquin Bordado, hanggang pellet gun lang kasi kaya kong tibagin, at luksong tinik lang ang kaya kong talunin. Superhero ako sa sarili kong paraan at mundo. Masasabing taga loob ako ng mandaluyong, pero ako nasusunod sa bawat hakbang na gagawin ko.



Napakaraming pumapasok sa isip ko na katanungan,

  • Bakit kailangan may mga "Cool d00dz"?
  • Masmalakas ba ang appeal mo pag ganun ka?
  • Totoo bang "Cool d00dz" lang ang pwede maging boypren ng "Hot Chix"?
  • Kung bibigyan ka ng tatlong options pag nakakita ka ng "Cool d00dz" ano pipiliin mo?
a) Kikiss at kikiligin
b) Mangungutang
c) Massive PK on sight, matching lechon over highblood, tusukin ng cotton buds ang bawat tagyawat, biyakin ang bawat kurikong sa katawan.

BOW!

Nasasarapan ka ba pag gumagamit ka ng cotombads? Nakukunatan ka ba kay Mogulkorn pag ginagamit mo sa dota? Malakas ba ang kanyang Cullingbird? E pano naman si Gonjing?

Kailan kaya ako makakapulot ng isang libong piso sa kalye at mananalo ng swisteyks?

-Ano kaya pakiramdam ng scripted na buhay? Ayoko maramdaman, sayo ko na lang ipaparamdam pag direktor na ako ng paborito mong noontime show.

Tuesday, March 18, 2008

Makilala si Boris

Ngayun ko lang naisip napaka kuripot pala ng mundo, isipin mo? Ano ba naman yung maghuhulog ng isang libo sa daanan tapos mapupulot mo? Gutom na gutom ka, bigla ka makakakita ng isang bote ng nagyeyelong Pepsi(sorry for the advertisment) sa harap mo? Napakainit ng panahon pwede ba umulan kahit payb sekonds lang?

May malaking bumagabagabab, bumabagabab, BUMABAGABAG! Whew! Sakin ngayun. Meron ka bang kilalang Boris ang panglan? (CUT CUT! Direk, pause for a break muna, maliligo lang ako, amoy tuna na ako e.)

Edi ayun, si Boris, gusto ko magkaroon ng kakilalang ganyan ang pangalan, medyo napapatanong ako sa sarili ko, 'Ano ang pakiramdam na Boris ang pangalan?', 'Pwede ka ba maging "OR" pag yan ang pangalan mo?'. Sa totoo lang yan lang ang may kinalaman sa title ng entry na ito, yung karamihan wala na. Makakatulong kaya sa ekonomiya ng pilipinas pag maraming Boris sa pilipinas?

Gusto ko magpasalamat sa mga kaibigan ko kasi kadalasan ng mga sinusulat ko dito pumapasok lang sakin pag nakakasama ko sila, sino nga ba naman ang manunulat na magsusulat ng mga 'obra' nila ng walang konting tulong s karanasan? Kada gabi na lang paghindi ako nakakapunta sa pinagtatambayan naming shop ay meroon akong kaibigan na sinasabi lagi na 'KUMPLETO NA KAMI DITO IKAW NA LANG KULANG'. Walangya kahit na lang mag isa siya dun kailangan niya sabihin yun. Parang manarism o kulugo n kailangan kalikutin o kulngot na kailangn bilugin.

GInaganahan ako magsult ngayun kaya kahit walang katuturan sinasalpak ko na, oo , lam ko di ko imortal pero hindi din naman ako si Boris n kailangan panain tuwing may riot sa kanto, hindi din ako isang negro na kinagat ng seven lion.

Nakapagtataka na tuwing nakakarinig ako ng hiphop o gangstuh(UGH) beats e nakakapagformulate ang utak ko ng kung anumang katarantduhan ang aking Sixth Sense starring Mel Gibson ng akala mo e ilokano na na hinaluan ng german. Katulad na lang nung 'Mash tap jing jing bish tat err(Apple bottoms jeans jeans boots with fur)' at ng 'Kamuning kamuning kamuning and save me(Come on in come on in come on in and save me). Siguro nga dahil hindi ako sanay sa SLENG(slang) language ng mga itim, o talagang sinabawang marinduke lang ang utak ko.

Hindi kumikibo yung kalye sa labas, siguro dahil pinanganak siyang pumapalakpak ang tenga. Pero ktulad ng dti dito ko na lang tatapusin ang entry na ito dahil, 'The elephant of Dr.Zeus is like stupid and i like finger finger the keyboard.





-Boris! Get me the marinduke aahitin ko ng seven lion netong tubero.

Tuesday, February 19, 2008

SAPAKIN KITA JAN E

Nasabihan ka na ba ng 'Sapakin kita jan e' ng walang dahilan? Yung tipong 'Oy! Musta na? Sapakin kita jan e'.
Yun yung mga oras na mapapa (>.<) mukhasim na lang ekspresyon mo sa mukha o kaya e, mapapa (@_@) mukhalat ka na lang sa mga naririnig mong mga kataga. Tama nga naman, sabihan ka bigla ng ganun, di ka magugulantang? Aba ikaw na siga ng riles, tigasin ng tondo, hostes ng preso at Joaquin Bordado ng kapuso.

Wala namang partikular na rason kung bakit napasulat ako ng ganito. Hindi naman ako tinakot, sinuhulan, pinikot, inulam, inadobo, pinrito, sinampalukan na walang kinalaman, woooo~ hingal~ *hika hika* extra breathing lessons muna.

Moving back to bussinessoqijweonslkjnfuqerjqorjpqwePWEH! English kasi e. Napaguusapan namin nung linggo ata o nung nakaraang linggo habang nanananghalian sa boni kasama ang mga kaibigan ko, e bigla na lang humirit ang isa sa mga magigiting at maginoo kong kaibigan ang 'paabot nga ng toyo, sapakin kita jan e'. Parang ano e, di mo na alam ihihirit mo. No choice e. Pasa mo sasapakin kita! Hanggang sa umabot na sa mga kakaibigang bagay ang usapan. Paghingi kay ate ng extra rice 'Ate isang extra rice nga po, sapakin kita jan e' akalain mong gumalang ka pa e, paabutin mo rin pala sa madugong pagbuntal sa kapwa.

  • Ate meron po kayong kalamansi? Pahingi naman po, sapakin kita e.
  • Tol wallet mo nakalimutan mo, sapakin kita e.
  • TOL! FOUL!... inde ayus lang, sapakin kita e.
  • GOOOoooood~ MooooOOOOrning~ sapakin kita e.
  • Manong isang stujante po kakasakay lang, at isang ekstra rice po, sapakin kita e.
Pasensya na kayo hindi ko maibalik sa ayos yung huling sentence. T___T

Naisip ko lang, paano kaya kung may probinsya na ang punto e 'sapakin kita e'? Tipong sa batanggenyo yung 'ala e', sa bisaya naman yung kakaibang pananalita nila, e kung ang iyo kaya 'sapakin kita e'?
Meron kaya nun? Sang probinsya mo kailangan mapadpad at mawalan ng pamasahe para lang masabihan ka sa payphone ng 'Walang anuman iho, mabuti at nakatawag ka na sa magulang mo, sapakin kita jan e.' Ang lamig sarap matulog, dugtungan niyo na lang entry ko.



Salamat sa pagbasa. SAPAKIN KITA JAN E
-Ako ang hari ng typo, sa kaharian ko ikaw ay laging welkam, SAPAKIN KITAJ AN E.

Wednesday, January 30, 2008

preSUMMER romance

'preSUMMER romance' a title suited for valentine's. Somehow there is this instinct of every person that when this period of the year comes there should be someone beside them, someone to accompany them for dinner on this one night. Yes, for most of us it is the ideal valentine, the ideal mid summer dream that became a reality. Is it really worth it giving yourself to that one special person granting their every wish? Yes, for some of us, but some of us have not yet experienced being alone so they are more occupied on getting that dinner date. Well, there are still those who make most of what they have, friends, family, or whatever they have left.

Do you already have that ideal date in mind?
Flowers, wine, great food, well ironed clothes, expensive restaurant, great view, great moonlight, everything perfect. Wouldn't you like that? I don't, something more soothing like having a sit while drinking a hot cup of chocolate while it's raining. Something like i'm late we didn't get to go as planned so we just rent a DVD and watch it on the couch while eating pizza. More of the practical approach, though the fancy date thing is kinda nice as well, having to go through all that just to take your partner on an expensive dinner.

Rain is rare during this time, but rain this time of the year is very unpredictable, showers may come at any time. There's just the two of you the drizzle and nothing could be better.

How would you even know your already in love? When your dating and no one else is making a scene? When there are butterflies on your stomach? How would you even know that's not your lunch starting combulsate ready to create a war and you're the battlefield?

It just comes, there's just this point of being there and another point that you still want to be there. You want to be in their situation whenever they're on the losing side. You want them to notice you every time. You like that pimple on their forehead just because it's there. You like it when they laugh at you just because you know they're smiling because of you. Being embarrassing isn't an issue for you as long as you know you're doing it for them. You'd gladly take their role in a car accident just because you love them.

You know you're no hero for them, you just know you can do the impossible when it comes to them.
Love is confusing, that's why i'm willing to take that risk for you.


Good day guys. =)
Hope you enjoy this post

Tuesday, December 25, 2007

YARI KA

Sarap, ito na talaga yung pinakahihintay ng mga tao pag pasko, yung umuulan, makulimlim at napakalamig. Pero aanhin mo naman yung kung wala ka kayakap diba? Isa na ako dun, mga road warrior ng pasko, mag-isa walang kasama at LOL mabaho ang hininga.
Hindi ko alam gagawin ko, wala din namang magawa, ano pagpipilian mo kung wala kang kasama, wala kang mayaya, malayo sa mga kaibigan at walang pera. Sandamakmak na regalo sa ilalim ng maliit naming christmas tree, kakaunti lang din kami sa bahay pero akalain mong sa dinamidami ng mga regaling nandun kahit isa wala para sakin. Okay, diba? Nakakalungkot ang eksena dito sa bahay, walang tao, tahimik, ulan lang ang nagiingay, ako nasa harap ng laptop sumusulat sa loob ng malawak na kwartong walang laman, patay ang electric fan at wala ng ibang gumagalaw maliban saking mga daliri na porsigido mag trabaho ngayon. Kulang na lang e gawing black and white at meron ka ng istant drama scene complete with bgm ng ulan only for 200php not only that if you order now you'll not only get this drama scene, we'll also include ang isang negrong writer ng isang blog na may malaking ibon para sa maskot.
Napansin niyo ba sa mga home TV shopping, tuwing nagbebenta sila ng mga produkto nila hindi pwedeng yun na lang, laging may pahabol, bakit hindi na lang nilang gawin na ipakita lahat nung produkto ng sabay sabay para sa presyo na yun? Bakit kailangan pang merong "NOT ONLY THAT! YOU'LL ALSO GET THIS BREAST ENHANCER FREE FOR EVERY PURCHASE OF ANY DELUXE TUPPERWEAR".

Kinausap ako ng pinsan ko na nasa isteyt, pinaalala sakin na malapit na betdey ko. Ngayun ko lang napansin malapit nako magbente anyos, isang taon na lang twenteen na ako. Noon gustong-gusto ko tumanda, gustong-gusto manguna, pero ngayon, STOOOOOOP! muna please? Maraming pwedeng gawin pag bata ka, masmarami pwede gawin pag matanda ka, per kahit kailan masmasarap maging bata. Simpleng buhay, simpleng problema, away sa jolen, suntukan, iyak, sumbong nanay, hanap kakampi, tablahan, simpleng solusyon lang. Pagbata ka walang problema sa pera sa sampung piso makakabili ka na ng paborito mong kyamoy, mighty mouse, hansel at choco-choco. Busog na, problema mo na lang kung paano ka makakaligtas sa pagtulog ng tanghali, kung paano ka magpapatulo ng laway ng hindi natatawa para hindi ka mabuko. Pano ko kaya tatalunin mga kalaro ko mamaya sa chato? Pano kaya kami mananalo sa agawan base mamaya? San kaya maganda magtago mamayang six, para sa tagutaguan? Puro laro yan ang "pinoproblema" ng mga bata. Sana hanggang pag tanda ganyan na lang. Pero wala tayong magagawa kailangan sumunod sa patakaran, patakaran na hindi pwedeng iwasan. Kung ano pa man, gudlak sayp, sakin, satin.


-Matulog ka na, kukunin ka ng bumbay mamaya, ilalagay ka sa sako at itatakbo ka sa ilog.